Sabado, Agosto 23, 2014

Ano nga ba ang Sinaunang Kabihasnan?

Marahil naririnig mo lang ang salitang ito,nababasa sa mga babasahin.Ngunit ano nga ba ang Sinaunang Kabihasnan?


 Ayon sa aking pananaliksik ang Kabihasnan ay isang masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Nagmula ang salitang sibilisasyon sa Latin na civis na may ibig sabihing isang taong naninirahan sa isang bayan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lamang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga pangunahing mga elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang kumbinasyon ng isang bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang ang maunlad na sistema ngtranportasyon, pagsulat, pamantayan ng pagsusukat, pati napananalapi,, pormal na sistema ngbatas, magiting na estilo ng sining, mabantayog na arkitektura,matimatika, sopistikadong , metalhurya atastronomiya.




Ayon naman sa aking guro sa Araling Panlipunan sinasabing ang sibilisasyon at kabihasnan ay umiiral kapag ang tao ay marunong ng magbas at magsulat pati na ang kakayahan attalino sapagtatala ng kasaysayan ng kanilang pamumumhay.Makakamit ito dahil sa pag unlad ng kanilang pagkatao .Ang samasamang kakayahan ang pinanggalingan ng sibilisasyon .Grupo ito ng kaugalian at ng orbanisadong lipuna,mataas na antas sa teknolohiya,kakayahan sa mga gawaing panlipunan,sining at agrikultura,pati na ang relihiyon.Lahat ng ito ay umiral sa Asya dahil sa sunod sunod at magkakaugnay na pangyayari.





Para sa akin ang Sinaunang Kabihasnan ay nakakatulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon.Mahalaga din ito sa mga tao dahil kunghindi sila nakapag aral ay hindi sila mabibilang sa Kabihasnan.


Mga Saliksa pagbuo ng Kabihasnan:


1.Orbanisadong Lipunan
2.Mataas na Antas ng Teknolohiya
3.Kakayahan sa mga gawaing Panlipunan
4.Sining at Agrikultura
5.Relihion
6.Kaugalian
 
 
 
 




Ang taong nabuhay noong panahon ng mga bato.






Sa larawang ito makikita ang paggamjt ng ating ninuno ng bato sa paggawa ng apoy hindi lang sa paggawa ng apoy nila ito nagagamit nagagamit din nila ito sa paggawa ng kanilang armas upang makahuli o makakuha sila ng kanilang pagkain sa kagubatan.Sa panahon natin ngayon marami na ang naimbetong pamalit sa bato para makagawa ka ng apoy isang halimbawa ayang electric stove na panluto ng pagkain.



Sa paglipas ng panahon ay nagiba o sumabay na rin ang pagbabago ng kabihasnan dulot ng teknolohiya.Nakagawa na ang mga tao na building,meron na din tayong internet kung saan merong social media iilan lang yan sa mga halimbawa pagbabago sa ating kabihasnan.Totoo ngang lumubog na ang ating sinaunang kabihasnan.


















 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento